June 30, 2007

Ngarag Na

Ngarag dahil sa walang katapusang summer school. Iisa na nga lang klase ko ngarag pa rin. Pano ba naman kasi, dala-dalawa ang trabaho. Hirap talaga ang buhay estudyante. Haaaay, dalawang trabaho pero hirap pa rin. Puro noodles na nga lang kinakain ko hahaha. Kaya di na rin ako nakakapagblog masyado dahil sobrang kabusyhan sa buhay.

Haaaay buhay. Naiinis lang ako ngayon kaya ako napa-blog ulit. Kais ganito. Kung nasa trabaho ako at nakita mo akong papasok sa banyo - parang awa mo na - huwag mo akong sundan para makipagkuwentuhan. Kahit pa boss kita, hindi mo dapat gagawin yan dahil yan pinakamatinding pet peeve ko yan. Pano kaya ako makakapagconcentrate so kubeta kung nakikipagkuwentuhan ka sa kin. Sa susunod, ganito. Antayin mo akong matapos sa kubeta. Tapos tawagan mo ako sa extension ko para alam mo kung nandun ako sa loob ng aking opisina. At kung nandun ako, umakyat ka at tsaka tayo magkuwentuhan. Komportable ka na, makakaupo ka pa. Hindi yong ako lang ang nakaupo at sa inidoro pa. Okay?

End of rant. Magsusulat muna ako ng aking policy analysis...

Exploring My Own Creativity